Logo
Menu

ABOUT US

HISTORY OF NUESTRA SEÑORA DELA SOLEDAD PARISH

Noong ika-16 ng Setyembre 2004, isang dekreto mula sa Lubhang Kagalang-galang na Luis Antonio G. Tagle, Apostol na Tagapamahala, at dating Kura Paroko ng katedral ng Imus, Cavite ay nilagdaan upang ipahayag na ang Prk. 6 ng Dasmariñas Bagong Bayan (DBB) ay opisyal nang tinanggap bilang parokya. Ang bagong parokya na ito ay itinayo sa ilalim ng pangangalaga ni Nuestra Señora Dela Soledad ng Barangay Sabang, Dasmariñas.

Ang simbahan ay nakatayo sa 3,000 square meters ng lupa at ang nakatala sa pangalan ng Panginoong Hesus sa ilalim ng patronato ni Nuestra Señora Dela Soledad ng Barangay Sabang.

Ang unang misa sa ilalim ng bagong pamamahala ay idinaos noong ika-17 ng Abril, 2005 na pinangunahan ni Rev. Fr. Generoso P. Maloloy-on.

Ang kasalukuyang kura paroko ng Nuestra Señora Dela Soledad Parish ay si Rev. Fr. Noel. H. Villaluna. Simula noong 2006, ang parokya ay tumutulong na rin sa pamamahagi ng sakramento ng kumpil, kasal at pagbibinyag sa mga nasasakupan nito.

Dynamic Image